Monday, June 20, 2016

Pasingaw cake

Pag sinabing cake, karaniwang naiisip agad ng mga tao na ito ay niluto sa oven at 'baked' ito. Pero maari din naman gumawa ng cake sa pamamagitan ng steam method.

Ang puto na gawa sa  bigas o trigo ay isang halimbawa ng cake na pinasingawan.

Sa pag gawa ng cake na maalsa, ang dalawang pinakamahalagang sangkap ay harina at pampa alsa. At kailangan, ang katangian ng harina ay kaya nitong saluhin ang bula na mula sa carbon dioxide na nililikha ng pampa alsa habang niluluto.

Sa pag unawang ito, maaaring makagawa ng mas marami pang iba ibang uri at lasa ng cake na gamit ang iba't ibang pampalasa gaya ng prutas o aromatikong herbs at spices.